Sabado, Hulyo 25, 2015

PAGKILALA NG TAMBALANG PANGUNGUSAP

Ang Tambalang Pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap na pinagtambal ng Pangatnig na o, ngunit, at, samantala at habang.


  1. Si Alyana ay maganda ngunit siya ay malungkutin.
  2. Hinihintay niya ang kanyang ina habang nagmumukmok siya sa labas.
  3. Gusto mo bang sa labas mo siya antayin o sa loob ng kuwarto?
  4. Dumating ang kanyang ina at binigyan siya ng pasalubong na cake.
GAWAIN:
Sabihin ang OO kung ang pangungusap ay Tambalan at HINDI kung hindi Tambalan.
  1. Magaling tumula si Eva ngunit mahina naman siya sa Matematika.
  2. Kami ay mag-aaral n leksyon sa Agham at pagkatapos uuwi na kami.
  3. si Mario ay mag-isang nag-aaral.
  4. Ang mga ibang kaklase ko ay sama-samang nag-aaral sa loob ng paaralan.
  5. Pag-aaralan ba natin ang English o Filipino?
  6. Lahat ng kaklase ko ay nag-aaral ngunit ayaw mag-aral ni Marcela.
  7. Mag-aaral ba kayo o maglalaro na lang?
  8. Mag-aaral kami.
  9. Nakatapos ang lahat mag-aral ngunit hindi pa sila tapos sa kanilang gawain.
  10. Natuto ang lahat at alam kung makakapasa kaming lahat sa pagsusulit.

kingcris2015

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento